header image
 

Bagong Uniporme’t Sapatos.

Naaalala ko pa ang papalapit na panahon ng tag-ulan, habang sa patuloy na pagsasaya sa noo’y nagpapaalam na sigla ng araw.. nangingiting isa isa kong binuksan ang mga supot na dahilan ng aking pagkaligalig at di mapakaling pakiramdam.. kakagaling lang namin makapamili noon.. tuwang-tuwa ako. Na kahit sa panaka-nakang sandaling iyon  ay sumasagi ang mga napakaraming katanungan na wala akong alam kung paano bibigyang kasagutan, nagpatuloy parin ako..

Masaya akong kinakabahang pumasok sa unang araw na pagtapak ko sa institusyon iyon. Pakiramdam ko, ako lang ang naiiba nang araw na iyon at tila lahat sila nakatingin sa akin. Suot ko noon ang bago kong uniporme at sapatos. Tunay na natatawa ako twing sa kahit isipin ko lang ang mga tagpong iyon. Isa marahil ako sa mga mukhang walang kamuwang-muwang na pumasok sa paaralang iyon tulad ng mga nakikita ko ngayong halatang bagong salta.

Mag-isa lang ako noong pumasok sa napakalaking lugar na yon, walang kakilala pero buo ang loob na gustong may mapatunayan. Kaya ko naman siguro mag-isa nalang.. ang panay banggit ko pa. Marami, napakaraming mga nangyari at marahil kukulangin ang espasyong ito sa pagsisiwalat ng kung anu man ang mga yon.. Mag-isa lamang ako noon, pero hindi na ngayon..
Kung pagsasamahin ko lahat, andon na ang hirap-saya, tuwa-lungkot, tampuhan-pagkakabati, pagiisa-pagsasama, ugaling iba-iba - pusong-iisa..

Ngayon, masasagot ko na ang mga iilan sa katanungang samasagi sa isipan ko non.. "makakayanan ko ba? mag-isa?" - marahil, oo pero hindi ng walang tulong ng aking noo’y para sa akin ay mga estranghero kong kaklase, "masaya kaya ang buhay-kolehiyo?" - hindi, dahil hindi sapat lamang ang katagang masaya para dito, para sa akin, mas higit pa.

Maligaya ako na ang noo’y bagong uniporme’t sapatos ko ay natagalang ako’y pakisamahan, kagaya ng mga noo’y kaklase ko lamang sa kursong ito, ngayo’y mga kaibigan ko na. Bagong uniporme’t sapatos ko noon na isinusuot ko lamang sa twing may pasok ako, ngayo’y luma’t naninilaw na sa mga karanasang pang loob at labas ng silid-aralan. Uniporme at Sapatos na sa loob ng halos limang taon ay maluwang, ngayo’y saksi, nakalakihan ko na, kagaya ng mga kaibigan ko ngayong mga halos kapamilya na..

Lumang Uniporme’t Sapatos na hinding hinding ko makakalimutang patuloy na pasasalamatan. Isa kayo sa laging magiging dahilan ng aking patutunguhan, sa ngayon, PAALAM.

fei

faye  fei.
my faye fei.. :)
hehe.. umiiyak cia kc badtrip cia smin lalo n kay dexie n panay kuha s kanya kahit ayaw nia magpapicture.. "ayaw ko!" sabi niya .. o badtrip cia ng araw na un lang tlg.. pero cute nya parin xempre..
:)

nak ko yan.. :)

(pero xempre joke lang yan.. baka matsismis uli ako n may anak n..
pero kung c faye skali un okey lang..
ang cute nia db?)

just.another.day.my.birth

Photobucket - Video and Image Hosting

dec.12

21 na ako..

blanK_o

wala na tang mas magiging dahilan pa sa pagsakit ng ulo dulot ng blankong pagiisip. Napapagod tulad ng katawan nga rin ba ang ating utak at umaabot din ito sa sandaling pagkalimot? Mas mabuti nga marahil iyon, sa sandaling ito lamang kasi parang nasusulusyonan natin ang mga nakalimutang suliranin. Hindi nga ba’b mas madali iyon kaysa sa pilit pagiisip sa mga problema at paghahanap ng mga paraang makakasagot dito?

Minsan tuloy mas kaaya-aya para saking gawin ito..

——————————————————————————–

tuLaLu.

sembreak na! at kahit ganon na nga, tila hindi ko maramdaman ang kasiyahang dulot nito. Ang pagkaiwan ko sa tila mahabang paghahanap ng maiisip sa mundong ito ay tila naging paraan ko na sa pagtakas panandalian sa kasalukuyang mundo kong ito. Magiisang linggo na ng sa wakas matapos na namin ang mga napakahabang, walang katapusang pagaaral at pagpupuyat sa gabi na hanggang sa ngayo’y hindi parin saking malinaw ang kahalagahang maidudulot. Nagaalala ako. Kakayanin ko paba ito? Pumalpak na naman ata ako…

——————————————————————————————–

cowardice

playing s-a-f-e.

wearing a mask.

AS FRONT.

playing the part of munificent soul was only for those whose were afraid of taking a stand in life.

It is always far easier to have faith in your own goodness than to confront others and battle for your rights.

It is always easier to hear an insult and not retaliate than have the mettle to fight back against someone stronger than yourself;

and I can always say Im not hurt by the stones others throw at me..

but it’s only at night,

when im alone and my neighbors or my family or my school friends are asleep,

that I silently grieve over my own COWARDICE.

(the story behind)

The Last Supper by Leonardo da Vinci

When he was cresting picture, Leonardo da Vinci encountered a serious problem he had to depict Good - in the person of Jesus, and Evil - in the figure of Judas, the friend who resolves to betray him during the meal. He stopped work on the pointing until he could find his ideal models.

One day, when he was listening to a choir, he saw in one of the boys the perfect image of christ. He invited him to his studio and made sketches and studies of his face.

Three years went by The Last Supper was almost complete, but Leonardo had still not found the perfect model for Judas. The cardinal responsible for the church started to put pressure on him to finish the mural.

After many days spent vainly searching, the artist came across a permatively aged youth in rags and lying drunk in the gutter. With some difficulty, he persuaded his assistants to bring the fellow directly to the church, since there was no time left to make preliminary sketches.

The beggar was taken there, not quite understanding what was going on. He was propped up by Leonardo’s assistants, while Leonardo copied the lines of impiety sin and egotism so clearly etched on his features.

When he had finished, the beggar, who had sobered up slightly, opened his eyes and saw the picture before him. With a mixture of honor and sadness he said:

"I’ve seen that picture before!"

"When?" asked an astonished Leonardo

"3 years ago, before I lost everything I had, at a time when I used to sing in a choir and my life was full of dreams. The artist asked me to pose as the model for the face of Jesus."

———————————————————————————–

Good and Evil have the same face, it all depends on when they cross the faith of each individual human bieng.

.. and how are we going to face it.

Story from the book "the devil and miss prym" by paulo coelho. i dont know if that particular story was really authentic but the message behind clearly has its point.

inuman na! Photobucket - Video and Image Hosting

louie (with halo), khaye (may cloud), ebetty (nakared na tie), webby, (may fan na cap), jhen (may crown), at sherwin (top 1 ng class nmin kaya no. 1, hehe.. :)) at aq pa pala!

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

hehe.. eto kami, mga panandaliang nakawala sa problemang dulot ng ’skul stress’ ..masaya.. kakatapos lang kc naming magexam ng midterm, ang totoo ang araw na yon ay sadyang naging masalimuot, lalo na para sa isang katoto naming si khaye.. buti nalang nagyaya si pareng louie na pumunta sakanila..sa hindi namin alam na kadahilang maski ngayon ay hindi namin alam ay sumama prin kami saknya..pagdating nmin don, ang daming spag! anu pa? xempre kinain namin yon lahat.. first tym q nga lang pla skanila..masaya, ang bait ng mommy nia..parang tropa.. first half: nanood kami ng kill bill na tagalized version,,hehe..aliw,kahit korny.. second half: natapos c movie, nagyayang magkaraoke s louie, xempre! hindi aq makakapayag na si dex lang ang makahawak non, kaya nakiagaw kami lahat..third half: nagyayang bumili ng red horse, aq: hmm, bahala kayo! (pero at the back of my head: langya, mukhang hindi na papaawat tong mga to, wala nmn to plano..yari nnmn aq nito eh.) at yon na nga, 3 mucho nabili nila.. tumikim lang ako, at sangkatutak na pagkanta nalang ang tinira ko.. at eto nang ang sinasabi ko eh..dumating si alas onse, aq: naku! super gabi na!, ang pasaway na si dextererio: oi bili pa kau beer!, aq: asar! pasaway tlg! lasing na nga eh, panu malakas loob kasi may dalang sasakyan si sherwin pauwi ng bi�an.. at ayon na nga, mas sinunod nalang naming sundin ang kagustuhan nia kaysa sa magwala pa siya.. at dumating na nga si alas dose.. aq: tingin sa phone, patay! si papa, tumatawag na..,hindi q sinagot ang tawag niya..sabay sabi q sakanila..’guys! uwi na ako..’

at marami pa ngang sumunod na eksena don,..aq: pagdating sa bahay, kasabay ang parating na pagsalubong ng aking tatay, ‘pa, ah..gumawa po kc kami ng project..’

hehe..moral lesson: wag ng manood ng movie kung magiinuman din pala lamang kayo,..hehe.. :) all in all? ang saya! sobra! picture picture din pala ang inatupag namin half ng buong nyt na yon.. thank you sa phone na high tech ni webby, Nsomething ata yon, hehe,, hindi ako familiar..basta, astig cia na phone.. tsaka, thank you din pala kay sherwin na kahit ang dami na atang nainom ay mahusay nia parin kaning naipagdrive, kahit panay sigaw ang abot nia samin, sa aming pagka super tense habang biyahe pauwi..at kay jhen na ang galing, magexplain sa tatay ko, kahit wala nmn ciang nasabi,, hehe.. at lastly kay khaye, ang dahilan ng pagsama ko that night..sana napasaya nmin cia kahit nong tym lang na yon..at meron pa pala! kay ebetty.. :)

patak.

..matagal kami sa ganoong sitwasyon.

ako na nakatunghay nang matagal sa mga malalambot na kamay na nakahawak sa dalawa ko ding kamay..

at ’siya’ sa patuloy na pagiyak..

gumawi ako sa direksyon niya, ang panay na pagbuka ng kanyang mga bibig na wariy may mga katagang iniiwan ay hindi ko marinig, hindi ko maintindihan, isang saglit lamang ng akoy matauhan..

bakit pa ba kasi?

bakit ko pa ninais itanong ang bagay na sa una palang ay wala naman talaga akong balak malaman..

siguro nga, ninais ko din..

pero bakit? bakit ng sandali na iyon, na hindi pa pala ako handa?

maLaman’, malaman’ ang mga bawat katagang ipinagpaalam’ niya, nakakatangis na mga inpormasyon..

sinubukan kong magtanong agad, tanda ng pagbalik ko sa mundong iyon, wala.., hindi ko ulit ito maintindihan,..

uli. natauhan, wala, hindi ko maramdaman ang dapat maramdaman ng isang taong maaaring mawalan ng mahal sa buhay.. mahal sa buhay? marahil hindi.. galit? hindi rin.. o sadyang hindi ko lang din alam..

luha. hindi ko ito namalayan, maaari bang mauna ang pagluha sa dapat mong maramdaman?

kasabay ng mga patak na iyon ay ang paghagilap ko sa tunay ko dapat na maramdaman..

sa mulit muli, wala. pero kasabay parin non ang patuloy na pagluha ko..

hindi ko maintindihan, hindi na ata gumagana ang eherhiya na nagpapatakbo sa utak ko, wala akong maisip.

maaari. hindi. maaari kayang walang maidahilan ang utak ko sa pagluha at ang puso ko ngayon ang patuloy saking nagpapaluha? marahil ayaw makisama ng utak ko, o manhid na rin ito kagaya ng puso ko?

naaawa?, hindi kaya?. nahihiya?. nakikisama?

natatakot. natatakot ako sa mga napakaraming posibilidad.

takot akong makita uli siya,

takot ako sa naging reaksyon ko nong una,

tako ako bilang anak ‘niya’..,

nagagalit ako sa tadhana hindi sa kanya..,

nagaalinlangan ako sa lahat ng pinasabi ‘niya’..,

nakakapagod. nakakapagod din palang paniwalain ang sarili na kompleto ka na,

hindi ko kailangan ang presensiya ‘niya’..

natutuwa ako. may alaala pa pala kami sa ‘kanya’.

visit me here..

http://nclinE.blogspot.com